KUNG KAYO AY NANGINGISDA O NANGONGOLEKTA SA DALAMPASIGAN (KASAMA ANG PAGSISID) SA NASASAKUPANG DISTRITO NG NORTHUMBERLAND INSHORE FISHERIES AND CONSERVATION AUTHORITY, KAYO AY SAKLAW NG MGA SUMUSUNOD
Ang Northumberland IFCA (NIFCA) ay responsable sa pamamahala sa eksploytasyon ng mga isdang yamang-dagat (sea fisheries resources) mula sa sentro ng River Tyne hanggang sa Scottish border, palabas hanggang anim na nautical miles at sa normal na tidal limit ng mga estuwaryo.
Upang makatiyak na ang mga kinukuha mula sa mga isdang yamang-dagat ay naisasagawa sa isang nasusustentuhang paraan ang NIFCA ay nagtakda ng byelaws. Ang mga patakaran (byelaws) ay kailangang masunod at makasakop sa lahat.
Ang aming mga unipormadong Opisyal ng Pangisdaan (Fishery Officers) ay regular na nagpapatrolya sa distrito at maaari nilang inspeksyunin ang inyong huli at kagamitan sa pamimingwit. Tungkulin nilang ipatupad ang mga patakarang ito at matulungang maturuan at ipaabot sa kaalaman ng mga bumibisita sa dalampasigan ang tungkol sa mga ito, kaya mangyari lamang na kausapin sila sa anumang mga katanungan ninyo. Ang mga Opisyal ay may kapangyarihan sa ilalim ng pambansang lehislasyon at kapag kayo ay nabigong sumunod sa kanilang mga instruksiyon, maaaring kayo ay magkasala ng may paglabag.
Kailangan ba ninyo ng permiso sa pamimingwit bilang libangan?
Hindi ninyo kailangan ng permisong mangisda na may pamingwit o pamansing (handline) gayon pa man ang mga maliliit pang mga isda (tulad ng naka-detalye sa ibaba nito) ay kinakailangang ibalik kaagad sa karagatan.
Kailangan ninyo ng permisong mamingwit kapag gumagamit ng mga sisidlan (pots) o mga bitag (traps). Ang permit ay nagkakahalaga ng £10 bawat taon at pinapayagan kayo nito na makapamingwit ng hanggang 5 mga sisidlan, na may karagdagang mga kondisyon sa permiso.
Hindi ninyo kailangan ng permiso kapag nangongolekta sa dalampasigan (kasama ang pagsisid), subalit saklaw pa rin ang sumusunod:
Ang mga naglilibang sa pamimingwit (na walang recreational permit) ay pinapayagan lamang sa bawat araw na kumuha ng hanggang:
1 ulang (lobster) 20 kuhol/suso na karniboro (whelks)
5 talangka o pelus na alimasag (brown or velvet crab) 5 sugpo (prawns)
Ang mga naglilibang sa pamimingwit (na may recreational permit) ay pinapayagan lamang sa bawat araw na kumuha ng hanggang:
2 ulang (lobster) 20 kuhol/suso na karniboro (whelks)
5 talangka o pelus na alimasag (brown or velvet crab) 5 sugpo (prawns)
ANG LAHAT NG MGA NAGLILIBANG SA PAMIMINGWIT
Mga Ipinagbabawal
Ang mga sumusunod na hayop ay kinakailangang ibalik kaagad sa karagatan:
- Alinmang ulang kapag ang buntot ay V-notched o putol ang buntot. Ang V-notched ay kapag may hugis v na bingot sa buntot ng ulang, ang putol na buntot ay kung saan ang mga bahagi ng isang buntot ay natanggal na maaaring may nakakubling hugis v na bingot.
- Alinmang ulang o talangka na may itlog (berries) na nakadikit. Huwag tanggalin ang mga itlog.
- Alinmang may malambot pang talukab na ulang o talangka.
- Anumang kaputol na bahagi ng ulang o talangka. Nangangahulugan ito na alinmang mga kuko, buntot o hita na hindi masusukat sa pinakamababang misura.
- Ang lahat ng mga nahuling hayop ay nararapat na mas mataas sa pinakamababang sanggunian ng misura para sa konserbasyon (tingnan sa ibaba para sa mga sukat)
Ang Pamantayan ng pinakamababang misura para sa konserbasyon
Ang lahat ng mga hayop na nahuli ay nararapat na mas malaki kaysa sa mga sumusunod na mga misura.
Mga Espesye ng Isda | |
Apahap (Bass) | 42 sentimetro |
Bakalaw (Cod) | 35 sentimetro |
Dover sole | 24 sentimetro |
Hadok (Haddock) | 30 sentimetro |
Tamban (Herring) | 20 sentimetro |
Ling | 63 sentimetro |
Tulingan na nahuli sa Hilagang Karagatan | 30 sentimetro (Mackerel caught within the North Sea) |
Plaice | 27 sentimetro |
Pollack | 30 sentimetro |
Saithe (Coalfish) | 35 sentimetro |
Asohos (Whiting) | 27 sentimetro |
Mga Espesye ng Lukan/Mollusca (Mollusc) | |
Halaan na haba (Razor clam) | 100 milimetro |
Kuhol/Suso na karniboro (Whelk) | 45 milimetro |
Mga Espesye ng Krustaseo (Crustacea) |
|
Ulang na Europeo (European lobster) | Karapatso (carapace) – 87 milimetro |
Ulang mula sa Norway (Norway lobster) | Isang buo – 85 milimetro
Karapatso – 25 milimetro buntot – 46 milimetro |
Nakakaing Talangka
(Edible brown crab)
Haba (Length); Lapad (Width) |
Karapatso – 130 milimetro |
Ang mga may mas mababa sa misurang mga hayop ay hindi dapat kunin at kinakailangang ibalik kaagad sa karagatan.
Panuntunan ng Tamang Asal (Code of Conduct)
Ang NIFCA ay nagpalabas ng panuntunan ng tamang asal para sa pagkolekta ng mga pamain at kinakamay na pangangalap.
Ang Estuwaryo ng Blyth
Ang NIFCA ay nagsulong ng isang boluntaryong panuntunan ng tamang asal para sa koleksyon ng mga pamain sa estuwaryo ng Blyth. Para sa karagdagang impormasyon sa panuntunan ng tamang asal ng Blyth, mangyari lamang na i-klik DITO.
- Ang mga tahong (mussels) ay nararapat lamang hulihin para sa pansariling gamit.
- Manghuli lamang ng mga tahong na higit sa sukat na 45mm ang haba ng shell
- Kumuha lamang ng inirerekomendang pinakamarami na isang maliit hanggang katamtamang timba (bucket) bawat araw at iwasang mangolekta sa bawat angkop na pag-kati ng tubig
- Mga tinabunang hukay (Backfill holes)
- Iwasang tapakan/lakaran o halukayin ang buhay na tahong
- Tiyakin lamang na may permiso kayo mula sa may-ari ng lupain bago magdeposito ng tiles/mga gulong (o ng anumang iba pang mga kasangkapan)
- Ang mga materyales tulad ng mga bato at tiles ay mas mainam para sa kapaligiran kaysa sa mga artipisyal na mga bagay tulad ng mga gulong na maaaring makapaghulas ng mga kemikal sa kalaunan.
Ang Panuntunan ng Tamang Asal sa pangongolekta ng Kuhol na erbiboro (periwinkle)
Ang NIFCA ay lumikha ng boluntaryong panuntunan ng tamang asal sa pangongolekta ng kuhol na erbiboro para sa distrito ng NIFCA. Para sa karagdagang impormasyon sa panuntunan ng tamang asal sa pangongolekta ng kuhol na erbiboro, mangyari lamang na i-klik DITO.
- Kumolekta lamang ng mga kuhol/suso na erbiboro na mataas sa 12mm (sinukat sa tangkad ng shell mula sa magkabilang dulo) upang maiwasang makahuli ng mga bubot na mga kuhol na erbiboro
- Huwag magsagawa ng hindi kinakailangang pang-aabala sa mga ibon gayundin sa iba pang mga hayop at mga halaman.
Ang kabuuang NIFCA byelaws ay matatagpuan sa www.nifca.gov.uk
Maaari ninyong isuplong ang anumang ilegal na aktibidad sa 01670 797676 o mag sulat-troniko sa nifca@nifca.gov.uk
Ang lahat ng impormasyon ay wasto sa panahon ng publikasyon (Nobyembre 2022).